Pagsusuri ng Maikling Kwento
Pluma at Papel Sa Aking Paglalakbay
Buod:
Naalala
niya noong taong 1998 ang taong kung saan natutong magsulat at magbasa hanggang
sa naging ulila at ipinag-aral ang sarili sa pamamagitan ng pagsusulat at sa
tulong ng isang iskolarsip. Sumali sa mga kompetisyon at nanalo nang sumulat ng
patungkol sa pluma at papel at sa kung anong kahalagahan nito sa buhay, at
naalala niya ang kanyang sinulat at sinilaysay sa kwento ang mga pangyayari
tulad ng pag iwan ng mga magulang sa isang bata at kung paano nito natagpuan
ang mga magulang ng naging isang sikat na manunulat.Doon rin niya napagtantong
magkatulad ang istorya ng kanyang buhay sa tauhang kanyang isinulat. Maging ang
kauna-unahang pagkakataon ng sumakay ng eroplano at pilit paghabol ng eroplano
sa mga bituin sa langit. Naalala din niya ang kahalagahan ng edukasyon at
pagkamtang sa mas malalaki at matayog na pangarap.
Mga
Tauhan :
Ako – Si ako ay isang
estudyante na naulila sa mga magulang dahil sa isang “raid” kung saan nabaril
ang kanyang ama at nakulong ang ina. Siya ay nanalo sa isang patimpalak sa
pagsulat noon sa RSPC o Regional Schools
Press Conference at patuloy na inabot ang magandang pamumuhay sa pananagitan ng
pag –aaral at pagkamtang sa mga pangarap.
Uri ng Tauhan:
Ako- Si “ako”
pangunahing tauhan o protagonista sa
kwento at sa kanya umiikot ang istorya ng kwento.
Maituturing na dinamiko
si ako sapagkat sa unang parte ng kwento ay may kalungkutan ang kanyang
pagkatao at may hinahanap ng nag-laon ay nagbago ito nga pag-iisip patungkol sa
buhay at noong una ay mahirap at nakikitira sa mga kamag-anak ngunit nang
nagtapos ang kwento ay naging matagumpay at naging mas mapag unawa sa mga bagay
tulad ng mga pagsubok na tinahak bago makamit ang rurok ng tagumpay.
Tagpuan:
Sa may paaralan at sa
bintana ng bahay kung saan kitang kita niya ang mga bituin sa langit na tila
kay layong makamtang.
Banghay:
Panimula:
Nagsimula
ang lahat ng problema ng nasawi ang kanyang mga magulang sa isang “raid” at
pagiging manunulat niya nagbukas ng pinto upang makapag-aral at makasali sa mga
kompetisyon.
Tunggalian:
Tao
laban sa lipunan –Sa kwento, ang lipunan ang nagbigay ng problema kay “ako”
kabilang ang kanyang magulang na hindi naging responsable sa pagtugon sa
kanyang pangangailangan at ang pagkalulong nito sa bisyo na naging dahilan ng
pagkasawi ng ama at pagkakulong ng ina, ang mga kamag-anak na imbes tumulong ay
nakuha pang pagsamantalahan ang kahinaan niya at maging ang gobyerno dahil sa
kawalan nito ng aksyon at tulong sa mga batang katulad niya na interesadong
mag-aral at matalino.
Kasukdulan:
Ito
ay ang pagsali niya sa RSPC o Regional Schools Press Conference na kung saan
nanalo siya sa kompetisyon dahil sa isinulat na akda na halos magkapareha sa
istorya ng kanyang buhay . Doon nakamtang niya ang maliit na bahagi ng kanyang
pangarap ang makapagsulat. Doon din siya nagkaroon muli ng pangarap at
pagganyak sa pagpapabuti ng sarili.
Kakalasan:
Matuturing
na isang tagumpay ang pagkapanalo sa isang kompetisyon ngunit ang pagkamit ng
edukasyon at pagkamit sa mga matatayog na pangarap ay mas magiging matagumpay
kaya napagpasyahan niyang mangarap ng mas matayog at umabot na mas matatayog
pang pangarap tulad ng pagkamit ng edukasyon.
Wakas:
“Dito
ko napagtantong ang bituin na ayaw pahabol at paabot ay ang ticket na pluma at
bituin sa aking paglalakbay sa mas mataas pang pangarap at mataas na susuungin
sa buhay.Ang pagpupuyat ,pluma at ballpen na sumisimbolo sa ating edukasyon and
ticket ng tagumpay sa buhay at biyahe sa buhay…” , ika nga sa kwento nang
marating na niya ang rurok ng tagumpay ay napagtanto niya ang simbolo ng mga
bagay na mahalaga sa kanya tulad ng “ bituin na ayaw pahabol at paabot” ito ay
tungkol sa pangarap na dapat mong patrabahoan at pagtiyagaang makamtang at pagpupuyat
,pluma at ballpen ay sa ating pagpupursige sa gitna ng gabundok na pagsubok sa
buhay at panghihina dahil tao rin naman tayo na marupok sa mga temtasyon sa
buhay.
Tono:
Kalungkutan dahil sa
kwento ng kanyang mga magulang at kanyang pagiging ulila.
Pagkaganyak dahil
naging inspirasyon ito sa mga kabataan na mag aral mabuti at maging mapagmahal
sa magulang.
Uri
ng Maikling Kwento:
Kwentong Pangkatauhan
dahil ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan
at pinapakita ang realidad ng buhay sa ating lipunan na marami sa atin ang may
problema sa pera at sa pamilya maging sa pagpapaunlad sa ating sarili.
Simbolismo:
Pluma
at Papel- Sumisimbolo ito sa karunungan at sa importansiya
ng edukasyon sa ating lipunan sa
kasalukuyang panaho.
Mas
maraming tinik ang realidad kaysa mga rosas- Ito ay
sumisimbolo sa mas masakit ang mga pangyayari sa totoong buhay kaysa mga
nakasulat na pangyayari sa isang kwento tulad ng kwento ni “ako” na isa siyang
manunulat at mas masakit ang mga tunay na pangyayari mayroon siya sa buhay
kaysa sa mga iniisip niyang puwedeng isulat sa kanyang mga akda.
Bituin
sa kalangngitan na ayaw pahawak at pahabol - Sa kwento,
nangangahulugan itong pangrap na di dapat magtapos sa mga maliliit na pangarap
na natutupad tulad ng pagkapanalo ni “ako” sa kompetisyon ng pagsulat kundi ito
ay sa buhay na tulad pagtatapos ng pag-aaral at pagiging matagumpay sa buhay.
Tema: Sa kasalukuyang
panahon pinaniniwalaan natin ang edukasyon ang susi sa pagkamit ng mga pangarap
at mithiin sa buhay. Ang pagiging
matiyaga ay nagdudulot ng maganda lalo na kung tayo ay may tiyaga sa pagkamit
ng edukasyon.
Uri
ng Paningin:
“Taong 1998 nang
nagpasya akong bitiwan ang mga
laruan at maynika at tuluyang pinalitan ang mga ito ng mga gamit na panulat
tulad ng pluma at papel.”
“Paano ko nga ba naging ticket ang pluma at
papel sa biyahe ng buhay?”
“Mas maraming tinik ang
realidad kaysa mga rosas.” Ito ang sinabi ko
sa aking kwento. Idagdag pa ang aking
gamit na pluma at papel ay panalong-panalo na. Bukod sa mga ito naging katulong
ko pa ang aking puso`t isip sa
pagsusulat.
Naalala ko tuloy ang aking 2006 NSPC:
Umaalon-alon pa ang aking sikmura at
akmang lumapag ang eroplano ng Cebu Pacific Airlines sa Pandaigdigang Paliparan
ng lunsod ng Davao, mula sa halos 30-minuto sa himpapawid.
Dito ko napagtantong ang bituin na ayaw
pahabol at paabot ay ang ticket na pluma at bituin sa aking paglalakbay sa mas mataas pang pangarap at mataas na
susuungin sa buhay.Ang pagpupuyat ,pluma at ballpen na sumisimbolo sa ating edukasyon and ticket ng tagumpay
sa buhay at biyahe sa buhay.
Paningin
sa Unang Panauhan - ang may-akda ay sumasanib sa isa sa
mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang panauhang “akong,ko,aking, at ating”.
No comments:
Post a Comment