Read and be merry!

Read and be merry!
Look who`s bringing a book!

Say YES to Success

Say YES to Success
I`m into this- public help and mass literacy.

Wednesday, October 30, 2013

My 2nd Attempt :))


Pluma at Papel Sa Aking Paglalakbay
“Sa bawat pagpupuyat…sa bawat paglapat ng pluma sa papel.”
Taong 1998 nang nagpasya akong bitiwan ang mga laruan at maynika at tuluyang pinalitan ang mga ito ng mga gamit na panulat tulad ng pluma at papel. Mula noong natutong magsulat at magbasa, naging kahiligan ko na ang mga ito. Paano ko nga ba naging ticket ang pluma at papel sa biyahe ng buhay?
            Apat na taon na akong nakipagsapalaran sa mga kompetisyon tulad ng DSPC, RSPC at ang pinaka-aasam ang NSPC. Kailan kaya yung panahong malaya akong mangarap? Yung bang pasulat-sulat  ka ng mga masasayang pangyayari na pwedeng mangyari? Kailan kaya muling mabuo ang aming pamilya?  Tulad ng mga pluma at papel laging magkasama.  Ito ang paulit-ulit na tinatanong ko sa aking sarili pag-mulat ng aking mata  na sana puwedeng mangyari ang kahit sa panaginip ko. Aba naman pumapabor sa aking kagustuhan ang isang kompetisyong ito  halimbawa noong RSPC na pinasulat sa amin ang kahulugan ng papel at pluma sa amin buhay.  
            “Mas maraming tinik ang realidad kaysa mga rosas.” Ito  ang sinabi ko sa aking kwento. Idagdag pa ang aking gamit na pluma at papel ay panalong-panalo na. Bukod sa mga ito naging katulong ko pa ang aking puso`t isip sa pagsusulat. Ang sabi ng guro kapag naipanalo ang kompetisyon ito magkakaroon ng tsansa na sumakay ng eroplano,makapunta sa mga makasaysayang lugar at maiwan pansamantala ang aking buhay. Isinulat ko noon ang kwento ng isang batang hinahanap ang mga magulang sa pamamagitan ng pagsusulat. Nagpursige at di` naglaon ay naging sikat na manunulat .Tulad ng isang lampara sa isang madilim na silid na nilalapitan ng gamugamo dahil taglay nito ang tagumpay at halina tulad ng isang bituin sa kalangngitan. Iyon nilapitan na siya ng mga magpakilalang magulang.
“Tiktilaok!...”Umaga na pala. Hindi ako nakatulog dahil sa ipinasulat ni Mam. Umaga na pala magluluto,maliligo,sasakay ng dyipni at papasok sa klase. Ganito umikot ang buhay ko sa sekundarya sapagkat naging manunulat pangkampus dahil kailangan at dapat. Bukod sa  isang  iskolarsip sa isang paaralan ang pagsusulat. Nasasabi ko ang aking mga nararamdaman at hinaing sa pagsusulat. Bata pa ay natuto na akong mamuhay ng nag-iisa dahil sa kasawian ng mga magulang sa isang “raid” sa man talipapa. Si itay ay nabaril habang si ina ay nakakulong. Naiwan ako sa mga kamag-anak at ipinapatira sa kung saan saan lugar at sa kong sinu sinong mga kamag-anak.
Tanging si pluma at papel ang kasama. Hanggang lumaki at naging kolehiyala. Kung dati ang buhay na tila telebisyon na “black and white” naging HD at 3D pa. Si pluma at papel talaga super kung nag alaga.  Naalala ko tuloy ang aking 2006 NSPC: Umaalon-alon pa ang aking sikmura at akmang lumapag ang eroplano ng Cebu Pacific Airlines sa Pandaigdigang Paliparan ng lunsod ng Davao, mula sa halos 30-minuto sa himpapawid. Sayang hindi ko nalibang ang aking sarili sa magandang tanawin sa ere, sa malalambot na ulap na animo “cotton candy”; sa mga ibon na pilit humahabol sa eroplano; sa bughaw na dagat na tila kumot sa higaan; sa mga bahay na nagmistulang laruan; sa mga sasakyan nagging tila laruan at ang mga butuin na ayaw pahawak,ayaw pahabol,palayo nang palayo…
Dito ko napagtantong ang bituin na ayaw pahabol at paabot ay ang ticket na pluma at bituin sa aking paglalakbay sa mas mataas pang pangarap at mataas na susuungin sa buhay.Ang pagpupuyat ,pluma at ballpen na sumisimbolo sa ating edukasyon and ticket ng tagumpay sa buhay at biyahe sa buhay.
            Arzlelei Joyce Marie S. Fiel

No comments:

Post a Comment