Read and be merry!

Read and be merry!
Look who`s bringing a book!

Say YES to Success

Say YES to Success
I`m into this- public help and mass literacy.

Saturday, October 5, 2013

Pagsusuri ng Maikling Kwento

Kwentong Pinagkukunan: Arceo,Liwayway A.;Uhaw ang Tigang na Lupa;1943
                                                                                                                       
Uhaw ang Tigang na Lupa

MgaTauhan:
Ina-sa unang bahagi ng kwento ay binanggit na siya ay hindi gaanong nagsasalita kumpara sa mga karaniwang ina base sa sipi na ito`Si Ina ay hindi palakibo siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita…” `Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...”
Anak- ginamitan niya ng paglalarawan sa lugar ng tagpuan at tao sa paligid ang pagbukas ng kwento niya tulad ng paglalarawan sa relasyon ng ina at ama maging anong klase ng pamilya mayroon siya tulad ng siping ito:  Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng o kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…”
Ama-  ang ama ay hindi matagumpay sa pagtatago ng mga nararamdaman lalo na sa kanyang anak dahil sa gawa pa lang kitang kita na ang pagiging malamig ng pakikitungo nito sa kanyang pamilya  makikita sa sipi na ito sa kwento ng Uhaw ang Tigang na Lupa ang kaibahan ng kanyang ama sa karaniwang tatay `Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata…

Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...”

Binanggit sa siping ito ang pagkalayo ng loob sa ama dahil sa pagiging abala nito sa trabaho at kawalan ng panahon sa pamilya.
Buod:
             Ang kwentong ito ay tungkol sa dalagitang nagkaroon ng mga magulang na kailanman ay hindi kakikitaan ng paglalambing sa isa`t isa. Para bang walang namamagitang pag-ibig ang pagsasama. Hanggang isang araw,natuklasan nito na may mahal palang iba ang ama at matagal na nitong nililihim sa pamilya . Ito ay nang mabasa ng dalagita ang talaarawan ng ama at makita ang isang larawan ng isang babae.
             Ngunit ang ina ay patuloy na nag-aalaga sa kanyang ama ng naratay ito sa kabila ng katotohanang pagtataksil . At bago ito malagutan ng hininga’y hiniling nito ang pagsang-ayon ng kaniyang kalaguyo sa bagong pagsasama. Sumagot ang kabiyak at nagkunwang kalaguyo—at pinagbigyan kahit napakasakit pakinggan ang gayong pagtataksil ng kaniyang asawa o bana.

Uri ngTauhan:
Protagonista:
Ina- Siya ay tinuturing na protagonist dahil nakasentro sa kanya ang  kwento at  bilang isang ina na hindi palakibo at malimit magsalita taliwas sa mga inaasahan at sa karaniwang ina at ang itinatagog lungkot nito na makikita sa mata at hikbi nito.Maging ang pakikitungo nito sa asawa at anak ay kapansin-pansin na malungkot ito at may dinadamdam.
Anak-Protagonista ang anak dahil siya ang nagbukas ng kwento, nagging bida sa kwento bilang lubhang apektado sa maging relasyon ng magulang at naging  parte ng paglilinaw sa usaping nilang mag-anak bagkus nagging dahilan ng pagkakaliwanagan ng ina at ama . Hindi rin siya gumawa ng problema kundi ang kanyang ama.

Antagonista
Ama –Siya ang magbigay ng problema sa mag-anak o sa mg pangunahing tauhan na ang ina at anak. Mula sa pagiging mahina nito sa paglaban sa sariling emosyon at sarili nabigo rin itong magpatakbo ng pamilya. Ayon sa sipi na ito sa Uhaw ang tigang na lupa na `Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.

Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...” anang anak.


Dinamiko:
Ama-Bilog na tauhan (round character) nagbabago ang katauhan niya mula sa pagiging mahilim ay magawa niyang aminin ang lihim na iba siyang mahal dahil na rin sa nakita ng anak ang larawan at ang talaarawan.
Anak- Bilog na  tauhan (round character) nagbago ang anak dahil noong una ay tahimik at mag-oobserba lamang ito sa takbo relasyon ng ama at ina ngunit ng naglaon ay nagsimulang magtanong at nagbusisi tungkol sa talaarawan at larawan na nagging tulay ng pagkalinaw ng kanilang sitwasyon.

Istatik :
Ina- Plat o istatik na tauhan ang ina sapagkat mula umpisa at maging matapos ang kwento nanatiling hindi palakibo at umasa na masusuklian ang pagmamahal at pag aalaga na binibigay niya sa asawa.

Tagpuan: Bahay ng mag-anak
Tono: Malungkot

Simbolismo/Pahiwatig:
Uhaw ang Tigang na Lupa
- pangungulila sa isang minamahal o pagmamahal, kawalan ng atensyon at komunikasyon bilang mag-anak


Tema:
Ang tema ng  Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo ay nagpapakita ng isang realidad sa ating lipunan na kahit ang taong pamilyado na ay may kakayahan pa rin magtaksil sa asawa sa isip at sa gawa. Ang iba`t ibang pag-uugali ng tao ay makikita rin sa kuwento tulad ng sa ina kung saan maraming maihahalintulad sa kanya sa ating lipunan ngayon na patuloy na nagmamahal kahit sa paraan siya na ang masasaktan.  Isa rin ang pag-ibig sa maraming tema ng kuwento( na tema ng kuwentong ito) sa buong mundo dahil ito ang `innate’ o likas sa atin.

Note: If you wish to copy this just send an e-mail or leave a comment below.  

39 comments:

  1. Thank you helped me pass my project :)

    ReplyDelete
  2. thank you much, it was very helpful for my report (dont worry i'll put the proper APA citation for this)

    ReplyDelete
  3. thank you nakatulong po sa report ko

    ReplyDelete
  4. ano po yung problema sa storyang toh? diko po kasi makita sana po masagot po😊

    ReplyDelete
  5. Can I copy this? Para lang po sa report namin :) thank you poooo

    ReplyDelete
  6. pwede kopo ba ma copy to? para lang po sa project namen thankyouuuuu po :)

    ReplyDelete
  7. can i use this to my report???hopefully you agree,dont wori i put proper citation.

    ReplyDelete
  8. Permission to copy this...thanks

    ReplyDelete
  9. hingi po ako ng permiso na ikopya ito para sa project ko po sa FIlipino, MAraming salamat po.

    ReplyDelete
  10. Hihingi po sana ako ng permiso na ikopya ko po ito para sa report ko ? Maaari po ba? Salamat po

    ReplyDelete
  11. Pahingi po ng permiso na kopyahin ito. Salamat

    ReplyDelete
  12. Goodafternoon po..hingi lng po akoh permission..to copy po.para lang po sa project koh.thnk you po..malaking tulong po ito kung sakali..

    ReplyDelete
  13. Permission to copy po. Thank you.

    ReplyDelete
  14. HELLO MAAM/SIR CAN I COPY YOUR WORK?, THANK YOU IT HELPS ME TO MY PROJECT.

    ReplyDelete
  15. Please help me ,pa copy po♥️

    ReplyDelete
  16. Wow pa copy po. Thankkk youuu so much .. malaking tulong💖

    ReplyDelete