Essay
Pluma
at Papel sa aking Paglalakbay
“Sa
bawat pagpupuyat…sa bawat paglapat ng pluma sa papel.”
Paano
ko nga ba naging ticket ang pluma at papel sa isang karanasang hindi
malilimutan at sa paglalakbay tungo sa isang pangarap na bituin?
Umaalon-alon
pa ang aking sikmura at akmang lumapag ang eroplano ng Cebu Pacific Airlines sa
Pandaigdigang Paliparan ng lunsod ng Davao, mula sa halos 30-minuto sa
himpapawid. Sayang hindi ko nalibang ang aking sarili sa magandang tanawin sa
ere, sa malalambot na ulap na animo “cotton candy”; sa mga ibon na pilit
humahabol sa eroplano ; sa bughaw na dagat na tila kumot sa higaan ; sa mga
bahay na nagmistulang laruan;sa mga sasakyan nagging tila laruan at ang mga
butuin at buwan na ayaw pahawak,ayaw pahabol,palayo nang palayo…
Ang
sinabi ng aking guro ang pumukaw sa aking pag-isip. Sasakay na raw kami sa
inarkilang taxi ni Ma`am. Habang sa sasakyan hinahanap ko ang aking pluma at
papel.Iyon ang gagamitin kosa patimpalak sa bukas. Nasaan na kaya iyon?
Tiningnan ko sa maleta,sa bag , sa may plastic at sa… naiwan ko sa bahay!
Nagsimula
na akong magpanic at mangamba. “Naku! Hindi ako mananalo bukas Ma`am,”ang sabi
ko sa guro. “Bakit mo nasabi iyan?”,balik tanong niya at sabi kong naiwan ko
ang aking pluma at papel.
Bibili
daw kami uli bukas pero nagging bahala na ako sa kung anong puwedeng
mangyari.Marami ng nangyari una hindi ako naging komportable sa eroplano at ang
hindi ko pagdala sa aking kung matalo ako?pluma at papel.
Paano
kung matalo ako?Paano ang aking paaralan na ako nalang ang inaasahan? Matatalo
ako Susuko na nga lang ako. Magpapatalo ako ng may dignidag. Tama na ang mga
nangyayari na nagsisilbing palatandaan ng puwedeng mangyari sa kinabukasan.
May
kumikislap at tila nangungusap sa akin ang mga bituin sa langit. May biglang
naalala ako sa tuwing ako`y nagpupuyat sa may bintana sa bahay habang mag
eensayo sa pagsusulat.Iba-ibang pluma at papel pala ang aking ginagamit mula
magkaisip at nagsimulang palitan ang laruan
ng mga pluma at papel –mula nang araw na ako`y matutong magsulat.
Dito
ko napagtantong ang buwan at bituin na ayaw pahabol at paabot ay ang ticket na
pluma at bituin sa aking paglalakbay sa mas mataas pang pangarap at mataas na
susuungin sa buhay.Ang pagpupuyat ,pluma at ballpen na sumisimbolo sa ating
edukasyon and ticket ng tagumpay sa buhay at biyahe sa buhay.
No comments:
Post a Comment